Dec 18, 2005

Maloloka talaga ako sa mga kababayan natin dito.

"Are you Filipina?", "Do you speak the language?", dyan nagsisimula ang lahat at kung sasagot ka ng "Oo". Patay kang bata ka! Susunod kasi ang "Tagasan ka sa atin?" na tanong. Ang madalas na sagot sa tanong na yan ay - "Ipinanganak ako sa kung-saan-probinsya, pero lumaki ako sa kung-saan-lugar-sa-metro-manila." Karamihan dito, ewan ko ba, tinatago nila ang pinanggalingan nila. Bakit? Hindi ko alam, basta ako hindi ko ikinakahiya na taga-Davao ako. Ipagsisigiwan ko pa.

Baka kasi, nilalait ng iba ang mga taga-probinsiya kaya hayan tuloy ayaw nila malamang probinsyana sila. Ano naman ngayon kung probinsyana ka talaga. Ano bang masama doon? At sino ba sila na para laitin ang mga promdi! Meron ding iba na mga laking-manila na hindi na kunyari marunong mag-bisaya pero nakakaintindi naman daw sila. Tigilan mo ako! Ang tigas-tigas ng dila mo, baka madapa ka dyan at mapa-"agay" ka at mabisto ka tuloy.

"Punta ka sa bahay, birthday ng anak ko, may konting kainan, tayo-tayo lang." Ano ka! Halos di na magkasya ang mga bisita sa bahay nila, inimbita na yata ang buong pinoy community dito. At ang pagkain, umaapaw. Syempre, andyan ang ever-present lumpia with matching tatlong klaseng pansit at kung anu-ano pa. Hindi ka talaga magugutom. At naku siguraduhin mong bongga ang gift mo at baka ma-tsismis ka at hindi ka na ma-imbita sa iba pang birthday party.

Mag-ingat sa "Oy, atin-atin lang ito ha pero si ano..." at meron pang pahabol, "hwag mong sabihin kay ano ha." Pero kinabukasan, makikita mo silang dalawa magkasama ulit. Ano ba yan?

"Anong ginagawa mo? Punta ka dito at nagluto ako ng...", ang totoo nyan, hindi naman talaga ang pagkain ang habol nila sa'yo. Kadalasan meron silang bagong binili at gusto lang nilang ipagyabang sa'yo. Pwede ba, kung sinigang or pansit ang niluto mo, marunong din akong magluto nyan. Buti sana kung bulad or lechon yan, pupuntahan talaga kita. Ang sama ko, ako na nga ang inimbita ako pa tong nagrereklamo!

Kaya nga minsan tuloy pag may nagtatanong sa'kin na pinay ba ako, gusto ko nang sumagot ng hindi.

PS
Loko lang to, wala akong maisip na matinong topic. Wala akong kaaway dito. Mabait kasi ako eh.

No comments: